Kung ayaw mong ma-bother, pumikit ka
July 23rd, 2009 by prettyandySa lalaking bestfriend ng first love ko, (AMA grad)
May isang kaibigan akong nagkwento sa akin na may violent reaction ka raw sa blog ko. Hindi niya sinabi kung sa aling artikulo dito yun. Kung sa “Chronicle of an Imagined ONS, nabasa mo ba, “IMAGINED?’ ibig sabihin, hindi totoo. And so what kung totoo yun? Buhay ko to.
Kung sa mga artikulong binabanggit ang pangalang Pet, Chris at Topher, iisang tao un. Aware akong may mali sa sitwasyon. Cge, cast a stone at me, you who have not yet sinned. Alalahanin mong hindi ka perpekto.
Kung ayaw mong ma-bother sa laman ng blog ko, simple lang yun. Wag mong basahin, di ba? Concerned ka sa akin? I-text mo ako o tawagan. Huwag mong i-open yung topic sa gitna ng inuman nyong magkakabarkada. Hindi ako pulutan.
Isa pa, blog ko to. Sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin. May sarili ka namang blog di ba? Dun mo ilabas lahat ng sama ng loob mo. Kahit tungkol sa akin, sige…
Matagal na akong walang koneksyon sau o sa kaibigan mo. Matagal na akong walang pakialam sa kanya. Kaya dapat wala na rin kayong pakialam sa akin. Yung lider ng grupo niyo, kami nananatiling magkaibigan kasi marunong siyang tumanggap ng kapintasan at kasalanan ng isang tao.
Oo, alam kong sa mga kalokohang ginawa ko ngayong taon, sirang-sira na yung imahe ko sa isip ng mga tao. Ayos lang yun, isa naman yun sa gusto kong mangyari eh. Dahil nga napapagod na akong nakakahon sa imaheng binuo ng mga tao sa isip nila tungkol sa mga bagay na kaya at hindi ko kayang gawin. Sa susunod na magkamali ako, siguro mas magaan na para sa lahat na tanggapin yun kasi tanggap nyo nang tao ako. Hindi perpekto, katulad niyo rin.
Matuto kang tumanggap sa kung sino ako. Oo, may pagkakataong naging magkaibigan tayo at kung gusto mong manatili tayong magkaibigan, huwag kang manghusga!
All my life, people around me have been protecting me from pain and from committing terrible mistakes. I have been lulled into believing that I am not capable of sin. They have put me in a box where a list of the things that they think I could and could not do is hidden. 
